April 24, 2012, Habang sakay kami ni ate sa jeep, masaya kami na nagkukwentuhan ng biglang may isang tunog....umaalingaw-ngaw na tunog....ang tunog na ayaw na ayaw na ayaw na ayaw ko ng marinig muli....ang tunog na kailanman ay hindi ko malilimutan...ang tunog na salot sa pandinig ko...ang tunog na sa tuwing maririnig ko ay siyang nakapagpapabalik ng bangungot sa aming buhay....oo,,, bangungot na kailanman ay ayaw ko ng balikan....ang tunog na yun...pamilyar na pamilyar...huhuhu ayaw ko ng marinig pa...ang tunog ng AMBULANSYA :(
February 11, 2012 (Sabado, 2:45pm)....Tandang tanda ko ang araw na ito...ito ang araw na pinagsisisihan namin nina ate....Ito ang araw na nag decide kami na dalhin si tatay sa Ospital...Ospital na pumatay sa tatay ko!... Ospital na isinumpa ko na hindi ko na babalikan...Nung sabado na yun...kinausap ko si tatay bago siya namin maisakay sa ambulansya...Sabi ko sa tatay...tatay ililipat namin kayo ng ospital kasi madaming mga espesyalista dun...mas gagaling kayo dun tay...lalaban kayo ha...Ipinapango ko once na gumaling kayo ay ibibili namin kayo ni ate ng sasakyan...kayo ang mag da drive at pupunta tayong lahat ng bicol...mamamasyal tau sa mga kaanak natin dun...kayo ng inay....mag aabroad ako para mas mapaganda ang tayo ninyo ng inay ha...ipikit nyo nga ang mata nyo tay if naririnig nyo ako....(at ipinikit nga ng tatay ang mata nya...tanda na naiintindihan nya ako....hindi na kasi siya makagalaw kasi na stroke at masama na lasa nya...naka NGT na din sya kasi hindi na niya manguya ang pagkain)...After noon ay dahan dahan na siyang isinakay sa ambulansya...Sa loob ng ambulansya...kitang kita ko ang panlalaki ng mata ng tatay...siguro natatakot sya...haist ang tatay ko...hindi ko siya matingnan ng ayos kasi naiiyak ako...si ate tin ang kumakausap sa kanya na mag relax si tatay kasi gagaling siya...noong mga oras na yun habang papalabas na kami sa ospital na yun ay nagsimula ng umalingawngaw ang nakakatakot na tunog na yun...isang tunog na nagsisilbing simbolo na may hinahabol na buhay...ang tatay ko... ang tatay ko... :(...mabilis ang takbo ng sasakyan at kasabay ng alingawngaw ng ambulansya ay ang alingawngaw ng puso ko na dumadalangin na bigyan pa ng Ama ng mahaba pang buhay ang aking tatay...habang nasa byahe nakita ko na mulat na mulat si tatay...tanda na nalilito siya kung saan ba namin siya dadalhin :(...Ramdam namin na gusto pang mabuhay ni tatay pero siguro kailangan din naming tanggapin na simula pa lang na isilang tayo ay may nakatakda na din na araw ng kamatayn natin...Pero masakit pala...Habang nalalapit kami sa Ospital ay nananalangin kami na malunasan si tatay...pagdating namin dun...ang daming pasyente...hindi Ospital ang tingin ko sa lugar na yun...sari saring sakit ang dinatnan namin dun...mayroong mag TB at lumuluwa na ng dugo pero bakit parang cool na cool pa din na nagbibiruan ang mga nurses at pati Dr. napakabata na laging may katawagan sa cp...habang nakahiga sila sa stretcher para silang mga baboy na nakapila...awang awa ako sa tatay kokasi napakasarap ng lagay nya sa Ospital na pinag alisan namin sa kanya...Hindi kasi namin ini-expect na ganun ang madadatnan namin...hindi sila iniintindi dun nakakaiyak....Si tatay na pinagbawalan na dalawin ng bisita sapagkat baka makakuha pa ng mikrobyo ay open na open sa Ospital na pinagdalhan namin...sising sisi kami nung araw na yun...kung pwede nga lang na ibalik namin ang oras para lang maibsan ang takot ng tatay...tumagal kaming naghihintay sa oras na si tatay naman ang titingnan ng Dr. pero antagal...kita namin ang takot sa mata ni tatay at hindi namin napigilan ang umiyakkk...nagsisisi man kami ni ate sa aming desisyon ay wala na kaming magagawa kundi ang sumugal...sumugal na may magagawa ang espesyalista sa hindi na malulunasang sakit ni Itay...Lumipas ang mga segundo, minuto at oras....ah ah katagal...maya maya oras na para kumain si itay...umiiyak na lumapit sa akin si bunso...kita daw nya na nagugutom si itay...nung panahong iyon ako ang nagbabantay sa gamit namin na dala...at si ate tin ay siya namang nag aasikaso sa info sheet ni tatay at si bunso ang tanging bantay sa receiving area ng mga pasyente (emergency room yata)...6:00pm na subalit wala pa din pagbabago may kausap pa din si Dra. tinignan ko ang Dra. mukha pa yata akong mature sa kanya...nasa 20ś pa ang age nya at naka mini dress sya at ang tanging pagkakakilanlan na Dra. siya ay ang coat nya...pero kung aalisin ang puting coat nya hindi ko siya tatawaging Dr.... napaiyak na lang ako habang nararamdaman ang takot sa dibdib ni tatay...at ang sakit sa kaalaman na gutom na siya...kung alam lang namin na ganun ang mangyayari ay hindi na namin dinala sa Ospital na yun si tatay...walang kwenta...pinagod lang namin si tatay...nagutom lang si tatay...ang sarap na ng lagay nya sa unang hospital haist...totoo nga pala na ang pagsisisi ay laging nasa huli...ng nagpaalam si bunso na hahanap ng mainit na tubig upang mapainum na ng gatas ang tatay ay ako muna ang nagtingin sa tatay dala ko ang 2 malaking bag ng damit...mga pampers ni tatay at mga iba pang plastic...wala akong pakialam kung tinatawanan man ako ng mga nakakasalubong ko kasi dinaig ko pa si wonder woman sa dami ng dala kong gamit...Maya maya pa kinausap ko ang tatay na sa mga panahong iyon ay mulat at gising na gising pa din...na pi feel ko na gusto na niyang sabihin na gusto na niyang umuwi pero hindi tatay pwede kasi para sa inyo din to...maya maya ay nakita ko ang tumatamang hangin sa ulo ni tatay...kumuha ako ng tuwalya at ibinalot sa ulo ni tatay...kita ko ang panunuyo ng labi ni tatay at maya maya ay hinaplos ko si tatay habang umiiyak haistttt...maya maya ay dumating na si bunso at napakain na namin si tatay...dumating ang oras na hinihintay namin...ang oras na titingnan na ng Dr. ang tatay ko...at sinuri siya lahat lahat...ok ang baga nya at lahat ng internal organs maliban sa bato nya....haist....madaming iniresetang gamot si Dra. gamot na akala namin ay makakapagpagaling kay tatay...tinanong kami ng Dr. kung ipapa dialysis namin si tatay pero hindi kami pumayag...yun na yata ang pinaka malaking desisyon na kailangan naming gawin...sinabi ng Dra. na kung hindi din namin ipapa dialysis si tatay ay nd nila i aadmit sa Ospital si tatay to think na gabi na at walang ambulansya papaano na si tatay iuuwi...sa layo ng bahay namin sa Ospital na yun...at hindi siya pwede ibyahe ng walang oxygen...maya maya ay sinabi ng Dra. na hindi din nila masabi kung makaka recover si tatay sa dialysis...sapagkat ang dialysis ay pangpahaban lang ng buhay...pero hindi na makakagaling pa...at nagpasya kami na wag ng pahirapan pa si tatay...sinabi ng Dra. na makakapagpagaling daw ang mga gamot kahit papaano...natuwa kami...subalit nalungkot na din sapagkat kita namin na nanlalamig na si tatay sa ginaw...maya maya ay naghanap na kami ng ambulance subalit wala wala wala...huhuhuhu... nanalangin ako habang umiiyak na sana maiuwi na namin si tatay para mas mapalagay na siya...at maya maya ay dininig ng Ama ang tawag ko sa kanya at nakauwi kami...kita ko na naman ang malalaking mata ni tatay kasi nagtataka siguro siya kung bakit uuwi na siya huhu kasakit sakit sakit...pero need naming magpakatatag eh...kaya pinigil namin ang iyak....nung malapit na kami sa kanto punta sa bahay namin ay sinabi ko sa tatay na...tatay andito na tayo sa atin at doon lang pumayapa ang mukha ng tatay ko....sumaya ang mukha nya at parang sinasabi na masaya siya...binigay namin ang lahat lahat sa tatay at doon ay lagi namin siyang binabantayan...February 14, 2012....nasa office man kami ni ate eh ang isip naman namin ay nasa tatay...humanap ako ng humanap ng forum para lang makakakita ng lunas sa tatay...may nakita ako na isang uri ng inumin na mabisa daw...at doon ay naghanap muna kami ni ate bago umuwi..dala ang pag asa na gagaling si tatay ay masaya kaming umuwi....pero nawala ang aming saya ng makita namin si ate she na umiiyak at sinasabi na maghapon na humaharok si tatay at nahihirapan na huminga....hindi ko na naipainom ang dal akong gamot na pinagkahirapan kong hanapin sa internet....muli ay hinarap namin ang desisyon kung dadalhin namin si tatay sa ospital kasi hindi namin kaya na nakikita siya asa ganung kalagayan....at sa huli ay dinala namin si tatay sakay ulit ng ambulansya pero wala na din daw lunas...kaya binigyan lang kami ng mga steps para mapagaan paghinga ni tatay...umayos naman si tatay... iyon na yata ang pinakamahirap kasi pagka uwi namin sa bahay galing ospital noon ding gabi na yun ay ang inaakala namin na ok na ang tatay ay siya na palang huling pagkakita namin kay tatay... :( February 15, 2012, 4:40 ng umaga habang natutulog ako ay nakarinig ako ng mga humahagulhol na boses...palibhasay galing sa tulog...dahan dahan akong bumangon at pumunta kay tatay...at doon ako tuluyang nagising ng makita na wala na pala si tatay...wala na ang aking tatay na naging napakabait sa amin....siya ang the best na tatay para sa akin...nung araw na yun ibinulong ko kay tatay na mahal na mahal ko siya....At hanggang ngayon ay lumuluha ako...I miss my father....mahal na mahal na mahal ko siyaaaaaaaaaaa..... :)... Tatay ko miss na miss ko na po kayo :(