Himutok ni Dadang...
Sa pagbubukas palang ng aking mga mata
Ang Cellphone na nasa ulunan ko agad ang aking nakikita
At pagdakay biglang magugulat
aking singkit na mata ay napamulagat
Tumataginting na 7:00 A.M na pala.....
Diyos ko po...inay ko ako'y mahuhuli na...
Pagbangon ko'y parang sundalo
Dinaig ko pa ang isang boksingero
Sa pagmamadali'y nabundol ko...
Naku po...kapatid ko pala na animo'y isang toro
At kapag nga naman ako'y inaalat
Isang siko sa dibdib ay namalas
Arayyyyyy ko po, pasensya na,
Ako po'y tatayo na....
Kapagdakay iika-ika
Dahil sa sakit na tinamasa
Ngunit itong kamalasan, akoy ayaw na lubayan
Pagkat ng malapit na ako sa palikuran
Arayyyy ko....si miming ay natapakan....
maraming kalmot sa binti ay natamo.....
Kapagdakay napatingin ako,
Sa pusang nakatingin sa paa ko,
Ako naman ay nakonsensya,
Kaya binalak na siya ay haplusin...
Upang siya ay amuin ko
si kitty na kay puti ng balahibo,
Naku po....aray ko.....hiyaw ko ay namutawi....
Si kitty na kay puti ay nangagat...
Sa galit ko ay hahampasin...
Ang lapastangang pusa ay hahabulin...
Maya-maya'y ako ay napatigil....
Dahil ang toro ay papalapit din...
Upang ako ang hambalusin...
Para iganti ang kanyang alagang kuting...
Naku po...lagot....ako'y tumakbo
Sa takot na ako'y mahambalos...
Sa Palikuran ang tungo ko...
Naku naman....pinto ay nakakandado..
Sa paglingon ako'y napasigaw..
Sapagkat ang toro ako'y nasukol na....
Isang pinong kurot ay naranasan ko...
Arayyy ko po......ako'y suko na...
Maya-maya'y natulala....
May naisip na kakaiba...
Lagot ka sa aking pusa ka....
Maya-maya'y amo mo ay aalis na...
Ngunit sa kamalas-malasan...
Ang target ko ay dinala...
Ng amo nya sa halamanan nya....
haizzzz......surrender na akong talaga....
Kapagdaka'y naalala ko...
Naku po...Huli na naman ako....
Kapagdakay nanligo na...
At di na nag almusal pa...
Lakad..takbo ang ginawa ko.....
Upang makarating sa may kanto..
Ngunit bigo pa din ako....
Na makasakay punta sa destinasyon ko...
tatlong dyip ang pinalampas ko...
Sapagkat sila'y parang karo...
Maya-maya'y tinanggap ko....
Sa araw na ito ako ang talo...
Maya-maya'y naaninag ko...
May papalapit na isang behikulo...
Ako'y di na nag inarte pa...
Kaya dali-daling sumakay na...
Tiniis ang mabagal na pag-andar...
Haggang sa ako ay makababa na...
Pagbaba ko ay dali dali....
Postura ko ay nawala na....
Ngunit sa kamalas-malasan...
Dinaanan ko ay di na namasdan
isang makapal na bagay ang nasa sapatos ko naramdaman...
isang malambot na bagay na kulay dilaw....
Ni isang samyo ay di ko magawa
At doon ako'y napailing......
Tinanggap ang masaklap na umaga...
At sa sarili ko ay nangako na...
Ako bukas ay mag-aaga na.....
HUHUHU....