ZHELDHANE'S MEMORIES

I'm Zheldhane, I'm a simple person having a simple dream. A dream to be a writer. that's why I decided to make my own website that will show all the chapters of my life, A website that will be my mirror...why mirror?....because it will reflects my whole personality. I want to share all my bad and good times....All my strength and weaknesses....All my failures and success. Im not perfect but, I always doing my best just to be perfect. I have lots of failures that I encountered.......Failures that made me stronger... Every tear that falls into my face..has made me stronger..Many years ago, I remember the time, when an old woman asked me, Zhel, What kind of nature elements will you choose that will reflect to your personality???a mountain? a sky??? or a water????... At that time.......I wondered why that old woman asked me that awkward question?I chose the last option which is the water. ...Why?..because...Water is powerful. It can wash away earth, put out fire, and even destroy iron....Water can carve its way,even through stone. And when trapped, water makes a new path, like me, I will find a way to be famous someday..to achieve my goal in life.To be a famous writer...I will use all my efforts and knowledge just to get what I want........and the old woman smiled at me...... and said "Good Luck" young lady....


Thursday, November 7, 2019

Zheldhane's Journey for a Healthy Body :) Low Carb Diet and Intermittent Fasting :)

After 5 years na hindi ako nakapag blog ngayon lang ulit ako nagkaroon ng time at interest na mag blog kasi natutuwa lang ako sa mga panahong ito :)

Ok simulan ko na....

October 19, 2019 itong picture ko na ito... kaso parang medyo na stress ako kasi super laki na ng mukha ko...Then yung sister ko at asawa ko minsan ay sinasabihan na din ako na ang "laki mo na ah" mag "diet ka naman"...noong una wala lang sa akin..."wala akong pakialam" pero one time may isang mahalagang tao sa akin "my hubby" na nagsabi na "mahal mag diet ka naman" kasi hindi na magandang tingnan...ayaw mo ba magka baby??" then after nun inaamin ko nasaktan ako ... nagkaroon kami ng tampuhan kasi parang bakit masakit pag nanggaling sa kanya...at ang word na "ayaw mo bang magkababy" yun yung worst na sinabi nya na nasaktan ako kasi sino ba naman na babae na ayaw magka baby di ba?? sa tuwing may nakikita nga ako na mga kakilala ko na nagkaka baby nasasaktan ako eh kasi syempre babae ako gusto ko din naman na magkaroon ako ng anak...then after nun hahaha hindi talaga ako nagpakita sa asawa ko (OFW) po siya...sanay kami na videocall kami after ng work nya pero never ako nagpapakita sa kanya after nung sinabihan nya ako ng ganun...sanay din siya na bawat uwi ko eh need ko magpasa sa kanya ng picture if nasa bahay na talaga ako...pero paa ko lang o yung aso ko yung pini picture ko at sinesend ko sa kanya para malaman nya na nasa bahay na ako na safe ako... (hahahaha so childish di ba? ) kasi tampo ako...nasaktan ako...then may friend ako na nag invite sa akin sa Facebook Group na Low Carb Diet and Intermittent Diet ni Coach Dave and Coach Ara kung hindi ako nagkakamali...Inaamin ko na kung ano ano ng mga slimming coffee, slimming products ang binili ko...mapa capsule man yan o liquid or powder lahat na nag try ako...nag saba diet din ako at egg diet ng 1 week pero hindi ko natagalan...nag enroll sa gym pero hindi din natagalan...nag jogging ng 2 days pero hindi din nakatagal hanggang sa nakita ko ang group na ito...(fast forward na tayo)..... Sa madaling salita eh nag start na ako na mag diet...

 October 29, 2019 start ang diet ko :) 

Sa last na timbang ko ay 74 kilos yata yun.. pero nag timbang ako kahapon (November 6, 2019) 71 kilos di ba for 8 days medyo masaya na ako doon :)

Need ko ng tanggapin na makikipag break na ako sa mga favorite kong pagkain
:( huhuhu

Rule no. 1. Strictly no Rice (keri nemennnn)
Rule no. 2. Strictly no Bread (keri nemennnn)
Rule no. 3. Strictly no Sweets (keri nemennnn)
Rule no. 4. Strictly no Softdrinks (keri nemennnn)
Rule no. 5. Strictly no Pasta (keri nemennnn)
Rule no. 6. Matulog ng maaga (charot...ito yung hindi ko minsan ma achieve) pero minsan naman nakakaya...

Ito yung pagkakasunod sunod ng mga pictures ko bahala na kayong tumingin hahaha :


October 19, 2019 (74 kilos)


Super busog lusog ko na di ba as in kaka stress pag nag se selfie ako :( kaya nag start na ako ng October 29, 2019 

18:6 po ako Intermittent Diet ( meaning breakfast at lunch lang ang kain ko after noon wala na coffee (no sugar) at saka water water water water..., may exercise din ako yung nasa youtube lang gumagaya lang ako 3x a week :) pero pag super pagod na galing sa office at alam ko naman na nakailang akyat baba ako sa ground floor hanggang third floor eh hindi na ako nag eexercise kasi iniisip ko ay "gusto kong pumayat pero ayaw kong mamatay" hahaha bakit? kasi pag pagod na pagod na ang katawan mo wag naman masyadong abusuhin :) pahinga ka din pag may time :)  ito lang yung mga pagkain ko sa araw araw...wag kayong mag alala "no cheat" yan :)
















yan po ang mga kinakain ko yung iba hindi ko na napicturan kasi gutom na gutom na pero talagang nakipag break na ako sa rice hehehe


then nag timbang ako kahapon (November 6, 2019) jaraaaaannnn 71 kilos na lang ako :)



then nag selfie ako ngayon November 7, 2019 :)


(waley hindi pa din masyadong halata pero pwede na naman ;)






happy na ako sa ganitong kain :) goal weight ko ay 50 kilos :) "impossible ba? kakayanin ko..... :) "AJA"


Thursday, August 9, 2012

To My IDD Love u :)

I am inspired making something special for our First Anniversary... This video is for you my IDD Love u much :)

Saturday, August 4, 2012

Happy First Anniversary Dibyo :)


I made this video for 2 weeks...grabe...hirap mag isip ng makapagpapasaya kay dibyo sa anniversary namin...gusto ko kasi ay something special... :) Hope you will like it :)



Happy First Anniversary Dave ko!!! (August 14, 2012)



Mahal/ Asawa/ Dibyo/ Dave/ Hubby:


First of all, I would like to say I love you and Happy First Anniversary!!!!. I will always remember the moment we became lovers through facebook chat (haha!)... I can’t imagine my life without you since then... Thank you for the love and caring. When I met you, I found out what true love was, still today it amazes me what it really does, i've always been in love with you even when we were apart, from the moment I said you'd always have my heart (you're the only man I love and will love for the rest of my life Mr. De Claro). We’ve been into many ups and downs but we’ve managed to get through with them, i'm sorry for being so demanding, cry baby and being so nagger...huhuhu... In the process, we grow and mature (hope so mahal ko :)... I hope we stay in love with each other like in the "Lorenzo's Time theme song" (kung tayo ay matanda na sana'y di tayo magbago, kailan man nasaan man ito ang pangarap ko, makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin ohhhhhh, hanggang sa pagtanda natin....nagtatanong lang sa'yo ako pa kaya ay ibigin mo....kung maputi na ang buhok ko)..hehehehe... This may be our first year together, But the start of a lifetime of wonderful memories and tons of love. I know that sometimes I am hard to deal with (super hard to deal with hehe love u)... Still, you manage to stay by my side. Thank you for just being there when I needed you most. I knew with all that I am one day I'd be your wife and will become the mother of your child..., and when that day came I had a meaning to my life, Weve been through so much and it hasn't even been a year, our love keeps growing stronger and stronger. Thank You Dave for loving me and sticking by my side, when I think of you I am filled with so much pride (you're the most handsome, cute and intelligent man in earth hehe)...Celebrating this day (August 14, 2012) is such a wonderful experience. Because this is the day that I realized how lucky I am having the best boyfriend ever.... I Love You. I know saying those words are not enough to express my feelings to you. On our anniversary, let me thank you for all the love and care… For all the moments we shared, which I truly treasured.... Anniversaries remind me of how God has been good to me. For He gave me the most wonderful man in the world. On this special day, I would like you to know that I am yours and my heart beats for you. I Love You and Happy Anniversary!

Tuesday, April 24, 2012

Ala-Ala ng Malungkot na Nakaraan

April 24, 2012, Habang sakay kami ni ate sa jeep, masaya kami na nagkukwentuhan ng biglang may isang tunog....umaalingaw-ngaw na tunog....ang tunog na ayaw na ayaw na ayaw na ayaw ko ng marinig muli....ang tunog na kailanman ay hindi ko malilimutan...ang tunog na salot sa pandinig ko...ang tunog na sa tuwing maririnig ko ay siyang nakapagpapabalik ng bangungot sa aming buhay....oo,,, bangungot na kailanman ay ayaw ko ng balikan....ang tunog na yun...pamilyar na pamilyar...huhuhu ayaw ko ng marinig pa...ang tunog ng AMBULANSYA :(

February 11, 2012 (Sabado, 2:45pm)....Tandang tanda ko ang araw na ito...ito ang araw na pinagsisisihan namin nina ate....Ito ang araw na nag decide kami na dalhin si tatay sa Ospital...Ospital na pumatay sa tatay ko!... Ospital na isinumpa ko na hindi ko na babalikan...Nung sabado na yun...kinausap ko si tatay bago siya namin maisakay sa ambulansya...Sabi ko sa tatay...tatay ililipat namin kayo ng ospital kasi madaming mga espesyalista dun...mas gagaling kayo dun tay...lalaban kayo ha...Ipinapango ko once na gumaling kayo ay ibibili namin kayo ni ate ng sasakyan...kayo ang mag da drive at pupunta tayong lahat ng bicol...mamamasyal tau sa mga kaanak natin dun...kayo ng inay....mag aabroad ako para mas mapaganda ang tayo ninyo ng inay ha...ipikit nyo nga ang mata nyo tay if naririnig nyo ako....(at ipinikit nga ng tatay ang mata nya...tanda na naiintindihan nya ako....hindi na kasi siya makagalaw kasi na stroke at masama na lasa nya...naka NGT na din sya kasi hindi na niya manguya ang pagkain)...After noon ay dahan dahan na siyang isinakay sa ambulansya...Sa loob ng ambulansya...kitang kita ko ang panlalaki ng mata ng tatay...siguro natatakot sya...haist ang tatay ko...hindi ko siya matingnan ng ayos kasi naiiyak ako...si ate tin ang kumakausap sa kanya na mag relax si tatay kasi gagaling siya...noong mga oras na yun habang papalabas na kami sa ospital na yun ay nagsimula ng umalingawngaw ang nakakatakot na tunog na yun...isang tunog na nagsisilbing simbolo na may hinahabol na buhay...ang tatay ko... ang tatay ko... :(...mabilis ang takbo ng sasakyan at kasabay ng alingawngaw ng ambulansya ay ang alingawngaw ng puso ko na dumadalangin na bigyan pa ng Ama ng mahaba pang buhay ang aking tatay...habang nasa byahe nakita ko na mulat na mulat si tatay...tanda na nalilito siya kung saan ba namin siya dadalhin :(...Ramdam namin na gusto pang mabuhay ni tatay pero siguro kailangan din naming tanggapin na simula pa lang na isilang tayo ay may nakatakda na din na araw ng kamatayn natin...Pero masakit pala...Habang nalalapit kami sa Ospital ay nananalangin kami na malunasan si tatay...pagdating namin dun...ang daming pasyente...hindi Ospital ang tingin ko sa lugar na yun...sari saring sakit ang dinatnan namin dun...mayroong mag TB at lumuluwa na ng dugo pero bakit parang cool na cool pa din na nagbibiruan ang mga nurses at pati Dr. napakabata na laging may katawagan sa cp...habang nakahiga sila sa stretcher para silang mga baboy na nakapila...awang awa ako sa tatay kokasi napakasarap ng lagay nya sa Ospital na pinag alisan namin sa kanya...Hindi kasi namin ini-expect na ganun ang madadatnan namin...hindi sila iniintindi dun nakakaiyak....Si tatay na pinagbawalan na dalawin ng bisita sapagkat baka makakuha pa ng mikrobyo ay open na open sa Ospital na pinagdalhan namin...sising sisi kami nung araw na yun...kung pwede nga lang na ibalik namin ang oras para lang maibsan ang takot ng tatay...tumagal kaming naghihintay sa oras na si tatay naman ang titingnan ng Dr. pero antagal...kita namin ang takot sa mata ni tatay at hindi namin napigilan ang umiyakkk...nagsisisi man kami ni ate sa aming desisyon ay wala na kaming magagawa kundi ang sumugal...sumugal na may magagawa ang espesyalista sa hindi na malulunasang sakit ni Itay...Lumipas ang mga segundo, minuto at oras....ah ah katagal...maya maya oras na para kumain si itay...umiiyak na lumapit sa akin si bunso...kita daw nya na nagugutom si itay...nung panahong iyon ako ang nagbabantay sa gamit namin na dala...at si ate tin ay siya namang nag aasikaso sa info sheet ni tatay at si bunso ang tanging bantay sa receiving area ng mga pasyente (emergency room yata)...6:00pm na subalit wala pa din pagbabago may kausap pa din si Dra. tinignan ko ang Dra. mukha pa yata akong mature sa kanya...nasa 20Å› pa ang age nya at naka mini dress sya at ang tanging pagkakakilanlan na Dra. siya ay ang coat nya...pero kung aalisin ang puting coat nya hindi ko siya tatawaging Dr.... napaiyak na lang ako habang nararamdaman ang takot sa dibdib ni tatay...at ang sakit sa kaalaman na gutom na siya...kung alam lang namin na ganun ang mangyayari ay hindi na namin dinala sa Ospital na yun si tatay...walang kwenta...pinagod lang namin si tatay...nagutom lang si tatay...ang sarap na ng lagay nya sa unang hospital haist...totoo nga pala na ang pagsisisi ay laging nasa huli...ng nagpaalam si bunso na hahanap ng mainit na tubig upang mapainum na ng gatas ang tatay ay ako muna ang nagtingin sa tatay dala ko ang 2 malaking bag ng damit...mga pampers ni tatay at mga iba pang plastic...wala akong pakialam kung tinatawanan man ako ng mga nakakasalubong ko kasi dinaig ko pa si wonder woman sa dami ng dala kong gamit...Maya maya pa kinausap ko ang tatay na sa mga panahong iyon ay mulat at gising na gising pa din...na pi feel ko na gusto na niyang sabihin na gusto na niyang umuwi pero hindi tatay pwede kasi para sa inyo din to...maya maya ay nakita ko ang tumatamang hangin sa ulo ni tatay...kumuha ako ng tuwalya at ibinalot sa ulo ni tatay...kita ko ang panunuyo ng labi ni tatay at maya maya ay hinaplos ko si tatay habang umiiyak haistttt...maya maya ay dumating na si bunso at napakain na namin si tatay...dumating ang oras na hinihintay namin...ang oras na titingnan na ng Dr. ang tatay ko...at sinuri siya lahat lahat...ok ang baga nya at lahat ng internal organs maliban sa bato nya....haist....madaming iniresetang gamot si Dra. gamot na akala namin ay makakapagpagaling kay tatay...tinanong kami ng Dr. kung ipapa dialysis namin si tatay pero hindi kami pumayag...yun na yata ang pinaka malaking desisyon na kailangan naming gawin...sinabi ng Dra. na kung hindi din namin ipapa dialysis si tatay ay nd nila i aadmit sa Ospital si tatay to think na gabi na at walang ambulansya papaano na si tatay iuuwi...sa layo ng bahay namin sa Ospital na yun...at hindi siya pwede ibyahe ng walang oxygen...maya maya ay sinabi ng Dra. na hindi din nila masabi kung makaka recover si tatay sa dialysis...sapagkat ang dialysis ay pangpahaban lang ng buhay...pero hindi na makakagaling pa...at nagpasya kami na wag ng pahirapan pa si tatay...sinabi ng Dra. na makakapagpagaling daw ang mga gamot kahit papaano...natuwa kami...subalit nalungkot na din sapagkat kita namin na nanlalamig na si tatay sa ginaw...maya maya ay naghanap na kami ng ambulance subalit wala wala wala...huhuhuhu... nanalangin ako habang umiiyak na sana maiuwi na namin si tatay para mas mapalagay na siya...at maya maya ay dininig ng Ama ang tawag ko sa kanya at nakauwi kami...kita ko na naman ang malalaking mata ni tatay kasi nagtataka siguro siya kung bakit uuwi na siya huhu kasakit sakit sakit...pero need naming magpakatatag eh...kaya pinigil namin ang iyak....nung malapit na kami sa kanto punta sa bahay namin ay sinabi ko sa tatay na...tatay andito na tayo sa atin at doon lang pumayapa ang mukha ng tatay ko....sumaya ang mukha nya at parang sinasabi na masaya siya...binigay namin ang lahat lahat sa tatay at doon ay lagi namin siyang binabantayan...February 14, 2012....nasa office man kami ni ate eh ang isip naman namin ay nasa tatay...humanap ako ng humanap ng forum para lang makakakita ng lunas sa tatay...may nakita ako na isang uri ng inumin na mabisa daw...at doon ay naghanap muna kami ni ate bago umuwi..dala ang pag asa na gagaling si tatay ay masaya kaming umuwi....pero nawala ang aming saya ng makita namin si ate she na umiiyak at sinasabi na maghapon na humaharok si tatay at nahihirapan na huminga....hindi ko na naipainom ang dal akong gamot na pinagkahirapan kong hanapin sa internet....muli ay hinarap namin ang desisyon kung dadalhin namin si tatay sa ospital kasi hindi namin kaya na nakikita siya asa ganung kalagayan....at sa huli ay dinala namin si tatay sakay ulit ng ambulansya pero wala na din daw lunas...kaya binigyan lang kami ng mga steps para mapagaan paghinga ni tatay...umayos naman si tatay...  iyon na yata ang pinakamahirap kasi pagka uwi namin sa bahay galing ospital noon ding gabi na yun ay ang inaakala namin na ok na ang tatay ay siya na palang huling pagkakita namin kay tatay... :( February 15, 2012, 4:40 ng umaga habang natutulog ako ay nakarinig ako ng mga humahagulhol na boses...palibhasay galing sa tulog...dahan dahan akong bumangon at pumunta kay tatay...at doon ako tuluyang nagising ng makita na wala na pala si tatay...wala na ang aking tatay na naging napakabait sa amin....siya ang the best na tatay para sa akin...nung araw na yun ibinulong ko kay tatay na mahal na mahal ko siya....At hanggang ngayon ay lumuluha ako...I miss my father....mahal na mahal na mahal ko siyaaaaaaaaaaa..... :)... Tatay ko miss na miss ko na po kayo :(

Thursday, February 2, 2012

Bagay Ba kami???

Isa itong larawan na ito sa edit ko na picture kasi syempre request ng Hubby ko at naging ok naman ang resulta... Bagay ba kami...yan ang lagi ko itinatanong sa sarili ko...hehehe Gusto ko biruin minsan si Hubby na pag nambabae sya magsusundalo ako para tugisin sya hahahaha,,,,(bayolente/violent naman ako masyado)...hehehe...Well alam ko naman na behave sya lagi kaya kampante lang ako always...:)

"Ang Makulit at Sweet kong si Hubby"

Paano mangulit si Hubby kay Hazel:

Hubby: Mahal ko... pwede bang igawa mo ko ng nakasundalo ako? kasi pangarap ko magsundalo...


Hazel: busy pa ako hubby eh...

Hubby: sige na ha...edit ka na now na...Pleassssseee...

Hazel: maya na lang tatamad pa ako eh :(

Hubby: huhu tinatamad sya sa akin :(

Hazel: (syempre makokonsensya effect) ok maya pwede tapusin ko lang ginagawa ko?

Hubby: ok... (then after mga 5 minutes ttxt ulit)Mahal ko nagawa mo na?

Hazel: naku hindi pa hehehe nakalimutan ko na sige gawa ako...

Hubby: :( kinakalimutan huhu...ok gandahan mo ha I love you...

Hazel: love you too...


Ganyan mangulit si Hubby...makulit na sweet hehe parang bata...asussss...




Gwapo ng Hubby ko love u hubbyyyyyy :)

"My Hubby's Eyes and Nose"

Noong nag High School ako sabi ko sa sarili ko ay maghahanap ako ng lalaki na matangos ang ilong (kasi I admit pango ako hehe), maganda ang mata, masipag, mabait sa magulang (kasi may kasabihan na pag ang lalaki mabait sa magulang ay responsableng asawa daw yun), masipag, matalino basta lahat ng katangian na sa kanya...So kahit hindi ako kagandahan ay maghahanap ako sabi ko noon. May mga nanligaw pero hindi kasi ako oo na ng oo eh...ligaw ligaw stage lang ako...May nakita ako kaso hindi naman pwede eh (sorry hubby need ko banggitin eh) and then nagka first bf ako pero kabaligtaran ng lahat ng pangarap ko pero mabait sya at matalino (super at napa over naman).... After mamatay ng first bf ko nangako ako na hindi na ako magmamahal ulit...pero siguro dahil hindi ko kapalaran na maging "matandang dalaga" forever ay nakilala ko sa facebook si Hubby Dave ko...hmmmmmm lahat ng katangian na gusto ko ay nasa kanya na...promise wala halong bola to ha hubby... :) kaya sinagot ko sya after nya ko suyuin pero matagal din yun ha...hindi naman ako nagpaka easy to get :)....then thanks God 5 months na kami...yipeeee and mag 6 na sa February 14, 2012...sumabay pa sa Valentines Day kahit wala kami sa religion namin noon...Well Happy ako...Ganda ganda ng mata lalo na ang ilong...minsan nga pag natitig sya nahihiya ako kaya sinasabi ko sa pagalit na tone na "wah mo sabi akong tingnan, aba!" hehehe...Love na love ko ang Nose and Eyes ni Hubby....Love u Hubby Dave... :)








I LOVE LOVE LOVE MY HUBBY :)

SM at Robinson ang dalawa sa mga lugar na napaka importante sa amin  ni Dave kasi dito sa SM at Robinson kami lagi nag de date... Ano nga ba at paano nauubos ang oras namin sa SM at Robinson...

Una: Mag-aaya ako kumain sa "Bee" ang favorite kong kainan...hahaha
Pangalawa: 

Pangalawa: Mag aaya ako mag laro....Basketball, video games, kuhanan ng bear (na ni minsan ay hindi kami nakakuha hehehehe), then palakasan ng suntok (syempre si dave lang naglalaro nun hehe) then barilan (nung una hindi ako marunong pero natuto din) :)... 

Pangatlo: Punta sa food court kakain 

Pang-apat: Pasyal ang pinakahuli naming ginagawa...Sayang wala akong picture ng tsinelas na binigay ni Mahal ko sa akin...


Wish ko bigyan nya ako ng Teddy Bear at Chocolates sa next Date namin :)...


Ito ang mga pictures namin...





























Thursday, December 15, 2011

"Late Celebration for Our 4th Monthsary"

Kahapon umiyak ako kasi nga ala kami celebration for our 4th monthsary...Pero now...Happy na ako at hindi na ako tampo kay Hubby kasi nag date kami kanina sa Andoks (Rosario)...Almost half hour kaming magkausap at kumain syempre and "nagkulitan using my cam"....Happy ako kasi kahit late ang celebration ay bumawi naman sya sa akin...Yung lahat ng tampo ko at "emote mode" ay nawala na....May napansin lang ako sa kanya kanina...hehehehe


Una: Gentleman na siya...

Pangalawa: hindi na niya ako minamadali after ng tupad ko...

Pangatlo: Pinagbubukas na niya ako ng door..(well dati naman ganun na siya kaso iba ngayon eh pwede na siyang maging guard...kinilig ako kanina)

Pang-apat: Inihatid nya na aq sa sakayan pero ganun na din naman siya dati pa...




Haist...Thanks God at dininig ni God ang prayers ko na sana maramdaman ko na "babae ako" pag kasama ko siya...hehehe serious type kasi si Hubby :( pero Im happy pag kasama siya...ewan ko hindi ko ma explain eh...basta i am contented na palihim siyang tinitingnan...(kinikilig ako lagi)....

Ito ang kulitan picture niya...ayaw ko kasi magpa picture kaya sya ang kinukulit ko... :)

Hindi siya galit ha...nabigla lang nyahahahaha.....




Hehehehe...again nagulat na naman siya dyan...pacute eh si hubby...love u much...





"HAPPY 4TH MONTHSARY IDD :)"

About Me

My photo
Batangas City, IV, Philippines
I am a Libra..and Librans are sensitive to the needs of others and have the gift, sometimes to an almost psychic extent, of understanding the emotional needs of their companions and meeting them with their own innate optimism - they are the kind of people of whom it is said, "They always make you feel better for having been with them." They are very social human beings. They loathe cruelty, viciousness and vulgarity and detest conflict between people, so they do their best to cooperate and compromise with everyone around them, and their ideal for their own circle and for society as a whole is unity.