
Salamat sa.....
......patuloy na paghubog sa aming pagkatao...
......sa walang katapusang pagmamahal....
......sa pagbibigay ng payo...
......salamat sa patuloy na pag-aalaga sa amin...
......salamat sa pagtuturo kung ano ang tama sa mali...
......sa pag intindi sa amin pag may mga sumpong kaming 7...
......sa pagiging the best mother...
Hindi man po tayo mayaman....Hindi man po perpekto ang ating pamilya...Lubos kong ipinagpapasalamat sa Diyos na kayo ng Tatay ang ibinigay na magulang sa amin...Napakaswerte po namin na kayo ang naging magulang namin... Hindi lang kayo tumayo bilang ina sa amin...kayo pa po ang kaagapay namin sa lahat ng problema...sa pagsubok na pinagdadaanan namin... Hindi kayo kailanman nagkulang sa aming magkakapatid...Napakabuti nyo pong Ina...Isa kayong kaibigan...Ikaw inay at ang Ama lamang ang tinatakbuhan ko pag hindi ko na kayang i handle ang problema ko sa buhay... Subalit bilang tao po...Minsan nakakagawa ang ng kasalanan sa inyo...Nakakasagot ako at nabibigyan ko kayo ng sama ng loob...Pasensya na po kung minsan ay may nagagawa akong labag sa'yong pangaral....pasensya na po sa paminsan minsan na pagsuway...Hindi ko man po araw araw na naipapadama ang pagmamahal sa inyo...Alam po ng Ama kung gaano ko kayo kamahal at kung gaano kayo kahalaga sa akin... Ngayon po na nagkakaedad na kayo ng tatay wag po kayo mag-alala kami naman po ang mag aalaga at magmamahal sa inyo...kaming 7 na pinilit ninyong alagaan at palakihin ng tama at ayos...
MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYO INAY...MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO...
ISA LANG PO ANG AKING HIHILINGIN SA AMA NA BIGYAN PA KAYO NG TATAY NAPAKAHABANG BUHAY AT MALUSOG NA KATAWAN....
MAHAL NA MAHAL KO PO KAYO...
MULI....MALIGAYANG KAARAWAN INAY.... :)
No comments:
Post a Comment