Noong namatay si William (January 2010) ako na yata ang pinaka malungkot na tao sa balat ng lupa....Sinabi ko that time na never ulit akong ma iinlove... Sabi ko family at si God na lang makakasama ko hanggang sa mamatay ako.... Pero there are times na naiinggit ako sa iba na masaya with their bf and gf... sa jeep, sa mall, kung saan saan...para bang sinasadya na inggitin ako... Feeling ko noon naiiyak ako...Pero hindi ko ma give up yung promise ko kay William na siya lang mamahalin ko.... Pero siguro hindi ako itinakda para maging single na lang forever at magmukmok sa bahay.... I remember one time...malungkot na nakatingin sa akin ang inay ko....(habang nagmumukmok at umiiyak ako sa likod ng aming bahay at pinakikinggan sa cp ko ang recorded voice ni william lumapit ang inay ko sa akin)
Inay: anak, kalimutan mo na si william.... napakabata mo pa para magka ganyan eh... tingnan mo si bless masaya sila ni ervin...magpaligaw ka at magmahal ka ulit....
Hazel: Inay, kaya nga po...bata pa naman ako kaya hindi ko po kailangang magmadali...takot na po ako magmahal...
Inay: hindi siguro kayo ni william talaga kaya kinuha na siya ng maaga...tingnan mo naaapektuhan ka na...
Hazel: hayaan nyo po at darating din tayo dyan...
(hindi ko man dati maaamin eh napag isip isip ko din ang sinabi ng inay)
Kaya siguro ibinigay si Dave sa akin ni God para bumalik yung happiness ko...at masasabi ko now na Im happy with him....Thanks Dave for all the efforts and love....Always take care...




No comments:
Post a Comment